Programa ng DepEd, sisilipin sa muling pagbubukas ng pasukan

SORSOGON CITY – Sisiliping muli ang mga programa na katuwang ang ilang sektor ng edukasyon sa muling pagbubukas ng pasukan ngayong taon sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito, magkakaroon ng seminar-workshop ang lokal na ahensya ng Department of Education (DEPED) bukas araw ng Martes, Marso 29 para kabisaduhing muli ang mga programang Adopt-A-School at Brigada Eskwela.

Ayon sa memorandum ng ahensya, kikilalanin din sa forum ang may pinaka-epektibong “best practices” na naipatupad sa Brigada Eskwela noong nagdaang taon.

Mabibigyan naman ng aabot sa 150% tax incentive na katumbas galing sa naging donasyon ng isang private entity ang nakapaloob sa programang Adopt-A-School.

Napapanahon umano ang pagtalakay sa mga programa lalo na at kabilang ang face to face classes sa Executive Order na naglalahad ng economic recovery plan na pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *