Mahigit 27k health workers sa Bicol nabigyan na ng SRA at AHDP—DOH

BICOL—Nilinaw ng Department of Health (DOH) Bicol na wala silang natatanggap na anumang written complaint hinggil sa hindi pa nakatatanggap ng Special Risk Allowance (SRA) at Active Hazard Duty Pay (AHDP).

Ito ay kasunod ng mga katanungan hinggil sa estado ng pamamahagi ng nasabing benepisyo sa mga health workers sa mga pampubliko at pribadong ospital sa rehiyon ngayong nasa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pahayag ng ahensya, naibigay ang first wave ng SRA noong Steyembre 19 hanggang Disymebre 19, 2020 pa kung saan nasa 4,314 health workers ang nabigyan o nasa kabuuang halagang P42,170,187.52.

Ang second wave naman nito ay naibigay noong Dec 19, 2020 hanggang June 30, 2021 kung saan nasa 2,334 na mga health workers ang nakatanggap.

Maliban dito, nasa kabuuang 20,524 health workers sa pampubliko at pribadong ospital naman ang nabigyan na ng kanilang AHDP para sa first wave na may kabuuang halagang P186,824,544.09.

Nilinaw din ng DOH na ang pagproseso sa SRA ay nakabase sa mga dokumentong isinumite sa kanila. Ang mga LGU ang tumutukoy sa mga kwalipikadong benepisyaryo salig sa guidelines at official template na ibinigay ng ahensya.

Pagbibigay diin pa ng DOH, batid nila ang kahalagahan ng papel ng mga health workers lalo na ngayong panahon ng pandemya kaya’t tinitiyak nila na nabibigyan ng tamang kompensasyon at pagkilala ang mga sakripisyo ng mga ito.### || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *