Mahigit 2K botante, nadagdag sa pinalawig na voter registration ng Sorsogon City Comelec

SORSOGON CITY – Dumagsa pa rin sa Sorsogon City Comelec ang mga registrants na humabol sa huling araw ng extended voter’s registration noong Sabado, Oktubre 30 nitong taon.

Sa pahayag sa Brigada News FM-Sorsogon ng City Comelec Election Officer na si Atty Carla Jerrera, sinabi nito na nasa 2,355 na karagdagang botante ang kanilang nairehistro.

Dagdag pang opisyal, itinuturing nila na matagumpay ang nasabing aktibidad dahil naabot umano nila ang kanilang target na bilang ng botante sa lungsod.

Matatandaan na inaprubahan  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11591 na nagbibigay ng 30 araw na extension sa deadline ng voters’ registration para sa halalan sa 2022. 

Isinulong ng mga mambabatas ang nasabing extension dahil ilang buwan umano ang nawala para sa pagpaparehistro dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *