Mahigit 30, 000 na magsasaka sa Camarines Sur makakatanggap ng cash assistance

NAGA CITY – Patuloy ang pamimigay ng libreng binhi ng palay sa ilang mga magsasaka sa apat na probinsya sa Bicol Region na kwalipikadong nakapasok sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Program ng Department of Agriculture (DA) Bicol.

Kabilang riyan ang Camarines Sur, Albay, Sorsogon at Masbate kung saan kasalukuyang napapakinabangan na ang binhi ng palay na bigay ng DA Bicol, tanging mga magsasakang may dalawang ektarya pababa lamang ng sakahan ang makatatanggap ng nasabing binhi, nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), liban pa riyan nakakatanggap pa ng libreng fertilizer para sa mga hybrid at non-hybrid na binhi.

Ang pondong ginamit ay mula sa taripa na naka-ayon sa batas o Rice Trafication Law na dapat na maibigay sa mga magsasakang nangangailangan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga ni Emily Bordado, tagapagsalita ng DA Bicol , sinabi nitong maliban sa binhing ipinamimigay, target na ring mabigyan ng Cash Assistance ang 33, 602 mga magsasakang may dalawang ektarya pababa rin sa Camarines Sur kung saan dapat ring nakarehistro sa RSBSA at kinakailangang na maibigay ang mga requirements na hihingin sa kanila.

Bawat isa ay makakatanggap ng Php 5,000 bilang tulong at suporta, kabilang ang binhi, makina, at training support system.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *