DFA, hindi na tatanggap ng ‘walk in’ applicants ngayong araw sa nagpapatuloy na mobile passport application sa Catanduanes

BNFM BICOL—Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs team na dumayo sa lalawigan ng Catanduanes upang magsagawa ng Mobile Passport Issuance, na hindi na sila tatanggap ng mga ‘walk in’ clients para sa nagpapatuloy na mobile passport application simula ngayong araw ng Biyernes, November 19.

Sa isang panayam, inihayag ng mga ito na dinumog kase ng mga walk in applicants kahapon ang Catanduanes State University Gymnasium kung saan isinasagawa ang naturang aktibidad matapos na malamang tumatanggap sila ng walk in.

Bukod dito, naabot na rin umano ng DFA ang kanilang target na 2,400 mga kliyente sa loob ng apat na araw na pagsasagawa ng nasabing programa sa probinsya.

Sa huling araw ng mobile passport application, prayoridad ng ahensya ang mga naka schedule na lamang na aplikante na tumugon sakanilang isinagawang pre-registration, ilang buwan na ang nakakaraan.

Paalala ng DFA, i-secure ang mga kaukulang dokumento na kakailanganin sa pag apply ng passport, gaya na lamang ng NBI at Police Clearance na magsisilbing mga supporting documents.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *