Mahigit 30 na baril sa Masbate, narekober sa pagtatapos ng gun ban

Sa tala ng PRO5 sa pagtatapos ng Barangay and Sangguninag Kabataan Elections (BSKE) nitong Nob 29, nasa 36 na baril ang kabuuang bilang ng mga nasamsam ng Masbate PPO sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan.

Ang lalawigan ng Masbate ang may pinakamaraming narekober na  baril noong eleksyon, sinundan ito ng Camarines Sur na umabot sa 14, 7 sa Albay, 6 sa Camarines Norte, tatlo sa Catanduanes at isa sa Sorsogon.

Paliwanag ng PNP-Bicol, ang mga narekober na armas ay hindi lamang umano sa mga inilatag na checkpoint kundi kasama na ang mga nakuha sa operasyon ng Pulisya.

Umabot naman sa 75 violators ang kabuuang nadakip, may 23 deadly weapons at 643 na bala ang narekober sa checkpoint at iba pang PNP operations.

Sa kabuuang 75 naglabag, 71 dito ang nasampahan ng kaso at nakatakdang harapin ang pagkakakulong mula sa isang taon hanggang 6 na taon ‘without probation.’

 Permanente rin silang madidisqualify sa paghawak ng pampublikong katungkulan at aalisan ng karapatan sa pagboto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *