Mahigit 31,000 doses ng J&J vaccine, inaasahang darating sa Isabela ngayong biyernes

Inaasahang darating sa lalawigan ng Isabela sa araw ng Biyernes July 23, 2021 ang nasa 31,500 doses ng Johnson & Johnson COVID-19 vaccine at 20,000 doses ng Sinovac.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Elizabeth Binag ang tagapagsalita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, inanunsyo na ni Isabela Gov. Rodito Albano III ang seguridad ng mga dating na bakuna sa araw ng biyernes kasama na umano ang nasa 2,900 doses ng astrazeneca vaccine na binili ng PGI.

Sa katunayan aniya ay nakahanda na ang mga listahan ng mga mababakunahan kung saan una sa mga prayoridad ay mga guro sa lalawigan  na hindi pa nababakunahan.

Dagdag pa ni Atty. Binag, kasama rin sa allocation ng bakuna ang mga kapulisan o men in uniformed at nakapagrequest na rin umano ang nasa 1,000 na kasapi ng 5th Infantry Division habang isasama rin umano sa profiling ang mga nagtitinda sa mga palengke.

Inaasahang sisimulan ang vaccination roll out ng mga nabanggit na indibdwal na kabilang sa A4 priority sa mga susunod areaw pagdating mga bakuna dahil nakahanda naman na umano ang mga vaccinator at vaccination sites sa lalawigan.

Ayon pa kay Atty. Binag, isa rin umano ito sa mga hakbang upang makamit ang herd immunity at muling mapataas ang ekonomiya ng probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *