LGU City of Ilagan, patuloy ang pag-monitor sa covid-19 situation sa lunsod sa kabila ng pagbaba ng covid-19 cases

Nagpapatuloy pa rin ang monitoring ng Lokal na pamahalaan ng City of Ilagan sa COVID-19 situation sa lunsod sa kabila ng pagbaba ng naitatalang aktibong kaso ng COVID-19.

Sa ibinahaging pahayag ni Mayor Jose Marie Diaz sa kaniyang public address, nasa 1.79% na lamang ang average daily attack rate habang -33.89% naman ang naitalang 2 weeks growth rate ng lunsod.

Dagdag pa ng alkalde, bagaman manageable na ang COVID-19 situation sa lunsod ay hinikayat nito ang mga IlagueƱo na huwag pakampante dahil sa banta ng Delta variant na nakapasok na sa bansa.

Sa ngayon batay sa pinakahuling datos mayroon na lamang 18 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa syudad kung saan lahat umano ng nagpositibo ay nasa   kanilang isolation at quarantine facilities.

Patuloy rin aniyang sinusunod ang mga panuntunan sa mga border checkpoint ng siyudad kung saan ang mga umuuwing OFW o Locally stranded individuals ay kinakailangang magpasa ng negative RT-PCR test result.

Samantala, maari na rin umanong lumabas ang mga bata edad 5 pataas ngunit kinakailangan pa ring may gabay ng kanilang mga magulang at tiyaking sumusunod sa minimum health protocols upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *