Mahigit 3K OFWs nakabalik ng Sorsogon

SORSOGON CITY – May 3,080 na overseas Filipino workers ang napauwi sa kani-kanilang bayan sa lalawigan ng Sorsogon dahil sa coronavirus pandemic, ito ang iniulat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol.

Ayon sa nasabing tanggapan, may kabuuang mahigit 22K na mga Bicolano OFWs ang kanilang naproseso na makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Pinakamarami umano dito ay mula sa Camarines Sur na umabot sa 8,946 sinundan ito ng Albay, 6,062 at pumangatlo ang lalawigan ng Sorsogon.

Umabot naman sa 2,211 ang napauwing OFWs sa Camarines Norte; 1,442 sa Masbate at 690 sa Catanduanes.

Matatandaan na isang tracking system o OFW Assistance Information System (OASIS) ang binuo ng DOLE para sa mabilis at maayos na pamamahala ng kanilang command center na nangangasiwa sa pagbibigay ng tulong sa mga umuuwing OFWs.

Ang OWWA naman, bukod sa transportasyon at sa tulong ng iba pang ahensya ay nagbibigay ng pagkain, hygiene kits, at matutuluyan sa mga OFWs.

Nagpapatuloy pa rin ang pagtanggap at pagproseso ng OWWa sa mga OFWs na gustong umuwi sa kani-kanilang probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *