Legazpeño, Top notcher sa October 2021 Chemical Engineering Licensure Examination

LEGAZPI-Labis ang sayang nadarama at hanggang ngayon ay di pa makapaniwala si Al Christian Regorgo Gobres na taga barangay Rawis Legazpi City matapos maging top 1 sa kakalabas pa lamang na resulta ng October 2021 Mechanical Engineering Licensure Examination ng  Professional Regulation Commission (PRC).

Ayon kay Gobres sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi, hindi naging madali sa kanya ang pagrereview mas lalo pa na ilang beses rin na nakansela ang examination dahil sa pandemya at dahilan para malimutan ang ilang pinag-aralan.

Subalit hindi rin ito naging hadlang para tuloy-tuloy ang pag-aaral para sa kanyang unang take nito.

Paglilinaw rin na hindi umano nito hinangad na maging Top notcher sa buong Pilipinas dahil ang tanging goal lamang niya ay ang makapasa sa pagusulit.

Hinikayat rin nito ang ibang di nakapasa sa nasabing pagsusulit na huwag mawalan ng pag-asa.

Aniya, sa pag-aaral kailangan lamang na gawing motibasyon ang pamilya o mga mahal sa buhay.

Kung maaala, si Gobres ay nagtapos sa UP Diliman at isa sa 321 estudyante  na nakapasa at nakakuha ng 84 percent na rating.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *