Mahigit 500-libo na mga mag-aaral inaasahan ng DepEd, Camarines Sur ngayong academic year 2023-2024

NAGA CITY- Mahigit 500,000 na mga mag-aaral ang inaasahan ng Department of Education, Camarines Sur Division ngayong academic year 2023-2024.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Salvador Pelingon, Information Officer ng Kagawaran sa lalawigan. Ayon dito, mas mataas na bilang ng enrollees ang inaasahan nila ngayon kumpara nitong nagdaang taon dahil balik normal na ang lahat, yun nga lamang hindi pa nasisiguro kung magiging sapat ang bilang ng mga silid-aralan o magiging hamon pa rin. Marami kasi aniya ang hindi nakapag pa early register , hinihintay pa ang mismong pagbubukas ng klase bago magpatala.

Malaking bagay sana sa DepEd kung unang kwarter pa lamang ng 2023 napaghandaan na ang bilang ng mag-aaral para sa anggkop na classrooms at guro , gayundin mga pasilidad.

Magkaganun man naniniwala ang DepEd na katuwang nila ang mga stakeholders sa pagpuno ng mga pagkukulang o mga dapat pang ayusin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *