HPG muling pinaalalahanan ang mga nagmomotorsiklo na magsuot ng standard helmet para na rin sa kanilang kaligtasan

CAMARINES NORTE – Aminado ang Philippine National Police Highway Patrol Group na marami pa rin silang nahuhuli o nasisitang mga nagmomotorsiklo dahil sa hindi pagsusuot ng standarad helmet.

Yan ay sa kabila ng paulit- ulit umano nilang paalala at madalas na pagsasagawa ng operasyon sa kalsada.

Kahapon may mga nasita na namang ilang nagmomotorsiklo na hindi nakasuot ng standard helmet sa ginawang One Time Big Time Operation sa Barangay Pamorangon dito sa bayan ng Daet.

Ayon kay PCapt Miguelio Borromeo, Provincial Officer ng HPG sa Camarines Norte, mapanganib ang hindi pagsusot ng standard helmet dahil hindi ito makapagbibigay ng proteksyon sa nagmomotorsiklo.

Tinukoy ni Borromeo ang helmet na pambsikleta na siya ring ginagamit ng mga nagmomotorsiklo.

Aniya bilang bahagi ng kanilang mandato may mayroon silang “visitorial power” sa mga tindahan na nagbebenta ng hindi standard na helmet at upang masiguro rin na walang tindahang nagbebenta ng mga nakaw na bahagi ng sasakyan.

Maliban naman sa paggamit ng tamang helmet sa pagmomotorsiklo ay nagpaalala rin si Borromeo na iwasan ang paglalagay ng mga illegal attachment sa sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *