Mahigit 600K na ARBs makikinabang sa pagsasabatas ng New Agrarian Emancipation Law

Makikinabang ang mahigit-kumulang 654K na agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa pagsasabatas ng Agrarian Emancipation Act, ayon ito sa Sorsoganon na mambabatas at siyang Principal Author ng nasabing batas na si AGRI Party-list Wilbert Lee.

Ayon pa dito, sa bagong batas ay mahigit P58B na mga hindi nababayarang loans ang inalis na siyang mabigat na pasanin ng mga magsasaka, ito umano ang pangunahing layunin ng nasabing batas.

Dahil malaya na sa utang at interes ang mga magsasaka, maitutuon na nila ang kanilang lakas at atensyon, maging ang kanilang puhunan sa pagsasaka at mapapalakas ang kanilang produksyon.

Dagdag pa ng mambabatas, maeengganyo rin ang mga ARBs na bumalik sa pagsasaka at sa huli, makakatulong sa layunin ng food security ng bansa.

Matatandaan na naisabatas ang Agrarian Emancipation Act matapos lagdaan ito ni Pang Ferdinand Marcos Jr. noong Biyernes, Hulyo 7.

Kasabay ng paglagda ng Pangulo, nai-award naman ang mahigit-kumulang 1.18M ektarya ng lupa sa mga ARBs sa buong bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *