Mahigit 600K na Sorsoganon, nakapagrehistro na sa PhilSys

Aabot na sa 4.5M na residente ng Bicol region ang nakarehistro na sa Phil Identification System o PhilSys, ayon ito sa Phil Statistics Authority Region 5.

Ayon sa OIC for Civil Registration and Administrative Support Division ng PSA-5 na si Cecille Briones, sinabi nito na ang natapos na pagpaparehitro ay katumbas na ng 88% ng kabuuang target ng populasyon.

Mayroon pa umano na natitirang 609K na kailangan maregister bago matapos ang taong kasalukuyan para ma-achieve ang 100% accomplishment para sa 2023.

Sa kabuuang 4.5M na registered Bicolanos, ang 644,990 dito ay mula sa Sorsogon habang pinakamaraming rehistrado ay mula sa Camarines Sur na umabot na sa 1,441,479; Albay -993, 595; Masbate – 691,776; Camarines Norte – 473,950 at Catanduanes – 238,091.

Hinimok naman ng PSA-Bicol ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang gobyerno at pribadong institusyon na hindi nagpapahintulot sa PhilIDs bilang valid na patunay ng pagkakilanlan sa anumang transaksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *