Mahigit dalawang libong turista nagtungo sa Calaguas island noong Semana Santa

CAMARINES NORTE- Aabot sa 2, 438 na mga turista ang nagtungo sa Calaguas island noong Semana Santa.

Batay ito sa datos ng Philippine Coast Guard mula April 11 hanggang 17.

Mababatid na isa ang naturang isla sa pinupuntahan ng mga turista lokal man o ang mga nangaling sa ibang lugar kapag panahon ng tag- init lalo na kapag Holy Week.

Sa Apuao island naman na isa sa pitong isla ng Mercedes o ang tinatawag na Siete Pecados ay nasa 177 na turista ang nagtungo sa buong panahon ng Semana Santa.

Ang mga ito ay nanggaling sa Labo, Daet, Sipocot, Camarines Sur habang ang iba naman ay nagmula sa Lucena at Manila area.

Matatandaan na sa buong buwan lang ng Marso ay tumaas ang bilang ng mga turista na nagtutungo sa mga nabanggit na isla.

Dahil ito sa muling pagbubukas ng turismo at pinaluwag na COVID- 19 restrictions.

Noon lang Marso naitala ng PCG ang 1, 607 na tourist arrival sa Calaguas habang 304 naman sa Siete Pecados.

Hindi pa kasama sa datos ang mga lokal na residente na may sariling bangka na nagtutungo rin sa mga nabanggit na isla.

Dahil dito patuloy na nakakatutok ang coast guard sa ilang pangunahing tourist destination sa probinsiya kahit tapos na ang pagunita sa Semana Santa.

Inaasahan kasi na patuloy na dadagsa ang mga turista lalo’t may ilang mga nagbabalak na mag island hopping na hindi natuloy dahil sa masamalng lagay ng panahon noong Lunes Santo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *