Celtics guard Smart tinanghal bilang 2022 NBA Defensive Player of the Year

Hinirang si Boston Celtics guard Marcus Smart bilang 2021-22 Kia NBA Defensive Player of the Year.

Ito ang kauna-unahang NBA Defensive Player of the Year Award para kay Smart, na naging unang guard na nakakuha ng karangalan matapos masungkit ni Gary Payton noong 1995-96 season.

Si Smart din ang pangalawang manlalaro na nanalo ng parangal mula sa Celtics na unang nakuha ni Kevin Garnett (2007-08).

Nakatanggap si Smart ng 257 puntos (37 first-place votes) mula sa global panel ng 100 sportswriters at broadcaster.

Pumangalawa naman ang forward ng Phoenix Suns na si Mikal Bridges ay nagtapos ng 202 puntos (22 first-place votes).

Ang Utah Jazz center at ang three-time Kia NBA Defensive Player of the Year na si Rudy Gobert ay nagtapos sa ikatlong puwesto na may 136 puntos (12 first-place votes).

Si Smart ay isang 8-year NBA veteran na nakasama sa NBA All-Defensive First Team ng dalawang beses (2018-19 at 2019-20 seasons).

Nanalo rin ito ng NBA Hustle Award para sa 2018-19 season.

Ngayong season, nag-average si Smart ng 12.1 points, career-high na 5.9 assists at 3.8 rebounds sa loob ng 32.3 minuto bawat laro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *