Mahigit P1.5 milyong halaga ng hinihinalang illegal na droga na idinadaan sa delivery express, kumpiskado

Arestado ang isang tatlumpu’t tatlong taong gulang na lalaki matapos makatanggap ng tip mula sa isang empleyado ng delivery express ang Makati City Police Substation 7 sa Guadalupe Nuevo, Makati.

Ayon sa nagbigay ng tip na si alyas “Nico” ginagamit ng suspek ang nasabing delivery express upang maipadala nito ang ilang illegal na droga tulad ng marijuana kush, marijuana oil at iba pang paraphernalia.

Kaugnay nito, sa isinagawang operasyon ng pulisya ay nakasamsam ang mga ito ng mahigit P1,540,000 na halaga ng hinihinalang illegal na droga.

Pinuri naman din ni PBGen Roderick Mariano ang ibinahaging impormasyon ni Nico sa pulisya na siyang naging dahilan upang mahuli ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *