Huli sa akto ang tatlong lalaki kabilang ang isang menor de edad habang silaβy gumagamit ng marijuana sa gilid ng kalsada sa Barangay Rizal, Santiago City.
Kinilala ang mga naaresto na sina alyas Frank, 22-anyos, alyas Dex, 18-anyos, na kapwa residente ng naturang lugar habang hindi na pinangalanan ang isa pang menor de edad mula sa Santiago City.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, nahuli ang tatlo habang nagro-ronda ang mga awtoridad kung saan napansin ng mga ito ang tatlong kabataan na may ginagawang kahina-hinala.
Kaugnay nito, lumapit ang mga pulis sa tatlo kung saan nadiskubre na gumagamit sila ng pinatuyong dahon ng marijuana na itinapon pa ng isa sa kanila sa damuhan.
Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang mganaaresto at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.