Mahigit P100K halaga ng hinihinalang shabu nakumpiska sa buy bust operation sa Paracale, dalawang suspek arestado

CAMARINES NORTE- Umaabot sa PhP 108,800.00 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang tulak umano ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation Miyerkules ng gabi sa Purok 1, Barangay Tugos, Paracale, Camarines Norte.

Arestado naman ang dalawang suspek na kinilalang sina alyas “Tino” 27 anyos, may kinakasama, walang trabaho at si alyas “Marko”, 21 anyos, binata, walang trabaho kapwa residente ng  nabanggit na lugar.

Ayon sa Paracale Police, natimbog ang dalawa matapos na kumagat sa naturang  anti-illegal drug buy-bust operation.

Nakuha sa operasyon ang buy-bust item na isang 1 medium na pakete ng hinihinalang shabu, pitong medium na pakete ng hinihinalang shabu na nakuha sa suspek na si “Tino” at isang medium na pakete naman ang nakuha  sa supek na si “Marko.

Nakuha rin sa pag- iingat ng suspek ang ginamit na boodle money na nagsilbi bilang buy-bust money.

Aabot sa 16 na gramo ang timbang ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *