Imported na mga paputok mula sa China posibleng itinda sa mga bangketa sa paligid ng NCPM

NAGA CITY – Muling binalaan ng Task Force Paputok ang mga magtitinda ng mga paputok sa Naga City mula sa Disyembre 23 hanggang 31 na huwag labagin ang mga napagkasunduan para hindi magkaroon ng problema.

Iyong mga paputok lamang na pinayagan ang dapat na itinda at huwag huwag ang magdadala ng malaking disgrasya o aksidente tulad ng pagkasugat at pagkakaroon ng sunog.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Market Superintendent . Mon Florendo, sinabi niya na may mga otoridad na regular na mag-iikot sa mga bangketa para matiyak na sumusunod ang mga ito sa regulasyon.

Kabilang sa mga mag-lilibot ay ang mga personahe ng Naga City Police Office (NCPO) , Bureau of Fire Protection (BFP), Public Safety Office (PSO), City Health Office, City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at ang Market Enterprise and Promotion Office.

Nabanggit pa ni Florendo na isa pa sa binabantayan nila ay ang mga imported na paputok na galing sa bansang Tsina na lubhang mapanganib anya sa kalusugan.

Inabisuhan na nila ang mga magtitinda na huwag tumanggap ng mga imported na paputok lalo na kung galing sa naturang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *