Malaysia, inalis na ang travel restrictions para sa mga indibidwal na bakunado na kontra COVID-19

Inalis na ng Malaysia ang international travel restrictions para sa mga residente na kumpleto na sa bakuna kontra COVID-19.

Ginawa ito ng Malaysia matapos mabakunahan ang 90% ng adult population nito.

Sinabi ni Prime Minister Ismail Sabri Yaakob na pumayag ang gobyerno na payagan ang lahat ng fully vaccinated Malaysians na bumyahe palabas ng bansa nang hindi na kinakailangan ang permiso.

Inaasahan na magiging epektibo ang panibagong patakaran ngayong araw.

Inihayag naman ni Yaakob na kailangan nang masanay ang mundo na mamuhay na may COVID, dahil hindi ito basta-basta mawawala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *