Mambabatas, dinepensahan ang vape bill sa kabila ng panawagang i-veto ito ng Pangulo

Dinepensahan ni Deputy Speaker Wes Gatchalian ang kontrobersyal na Vape Bill sa kabila ng patuloy na panawagan ng ilang mga grupo partikular ang mga medical experts na i-veto ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ang mambabatas na ang nasabing batas ay balanse lamang para maprotektahan ang mga kabataan at mabigyan ang mga adult smokers’ ng tyansa na itigil na ang kanilang paninigarilyo.

Ayon sa mambabatas, sumalang sa mahusay na deliberasyon ng Kongreso ang Vape Bill kung saan natalakay nila aniya ang kahalagahan nito at ang pagbibigay sa mga kabataan ng access sa mga cigarette alternatives kagaya ng vape.

Ipinunto pa ni Gatchalian na pinalalakas ng Vape Bill ang probisyon sa Republic Act 11467 na nagpapataw ng buwis sa mga vapes at heated tobacco products.

Binigyang diin pa ng kongresista na wala pang batas kaugnay sa mas mahigpit na regulations padating sa importation, manufacturing, selling at advertising ng vaporized nicotine at non-nicotine products kung kaya’t kailangan ang Vape Bill.

Mababatid na inaprubahan ng Senado at Kamara ang naturang panukala upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng smoking rate sa bansa.

Hanggang sa kasalukuyan naman ay umaasa ang Department of Health at ang mga medical groups na i-ve-veto ng Pangulo ang batas bago ito tuluyang bumaba sa kanyang pwesto.

Mariing iginiit ng mga medical experts na ang Vape Bill ay kontra sa polisiya ng bansa lalo na sa mga kabataan.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *