Foreign Minister ng Ukraine, bumisita sa Pilipinas; Suliranin sa giyera nito sa Russia, tinalakay

Ang pagpapalakas ng ugnayan ng Ukraine at Pilipinas at ang karagdagang pwersa kaugnay sa giyera ng Ukraine at Russia.

Ilan lamang ito sa mga natalakay sa ginawang pulong nila Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. at ni Ukraine Deputy Minister of Foreign Affairs Dmytro Senik kasabay ng kanyang 1-day visit sa Pilipinas.

Ipinunto ni Senik na napapanahon na para magkaroon ng diplomatic missions ang Ukraine sa bansa at ang Pilipinas sa Kyiv.

Bukod dito, layon din ng pagbisita ni Senik sa bansa ay ang paghahatid ng mensahe ng Ukranian government sa pamahalaang Pilipinas.

Kaugnay pa nito, napag-usapan din sa pulong ang pinakahuling development sa hindi pa rin humuhupang giyera sa Ukraine.

Ayon kay Senik, kakaunti na ang kanilang puwersa at mga armas kumpara sa lakas ng Russia.

Ang kailangan aniya ng tropa nila sa Ukraine ay ang karagdagang mga armas para tapusin ang pag-atake ng Russian forces.

Samantala, kasama ni Senik na humarap sa media ang Ukrainian non-resident Ambassador to the Philippines na si Olexander Nechytaylo.(CLAY MARQUEZ)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *