Albay, muling nakapagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19; isa, nasawi

LEGAZPI CITY – Muling nakapagtala ng 24 na panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Albay kahapon.

Sa tala ng Albay Provincial Health Office, kabilang sa lugar na may nagpositibo ay ang Daraga kung saan ito umabot ng 8; tig-3 sa Guinobatan, Oas, at Tabaco City; tig-2 sa Camalig, Legazpi City at Pio Duran; habang isa naman sa Bacacay.

Batay sa datos, isa ang nasawi dahil sa naturang sakit na mula sa Banawan, Pio Duran.

Sa ngayon, umabot na sa limangdaan at tatlumpu’t siyam ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Patuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga ipinatutupad ng health protocols at magpabakuna upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *