Manny Pacquiao, ikinalungkot na hindi siya makakasali sa Summer Olympics

Ikinalungkot ni Manny Pacquiao ang pagtanggi ng International Olympic Committee (IOC) sa kanyang request na lumahok sa 2024 Summer Olympics.

Sa kabila nito, nirerespeto niya ang desisyon ng IOC sa age-limit rules.

Nabatid na lagpas na sa age limit ang Philippine Boxing Icon dahil hanggang 40 years old lang ang pinapayagan ng Olympics na makasali rito. Sa ngayon, 45 years old na si Pacquiao.

Inanunsyo ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino ang malungkot na balita na ito, na pinaniniwalaan niyang mag-aalis sa Pilipinas ng “sure podium o kauna-unahang ginto” sa Olympic boxing.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *