Xyriel Manabat, hindi makikipagrelasyon sa kapwa-artista

Mas gugustuhin na lang daw ni Xyriel Manabat na magkaroon ng non-showbiz boyfriend kaysa magkaroon ng kasintahan sa industriya.

Aniya, bata pa lang raw siya ay sinumpa niya nang hindi siya mag bo-boyfriend sa showbiz.

Malaking factor daw kasi yung mga nao-obserbahan niya sa mga relasyon ng katrabaho niya.

Saad nito, mas peaceful na raw ang kalagayan niya ngayon sa current boyfriend niya  at naniniwala siyang hindi niya ito makakamit kung nag-boyfriend siya ng kagaya niyang celebrity.

Mahirap din daw na parehong may spotlight ang dalawang magkarelasyon kaya mas pinili niya na lang na maging pribado pagdating sa lovelife.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *