Marcos admin, nakakuha ng majority approval rating sa 11 key issues – Pulse Asia

Nakakuha ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ng majority approval ratings sa 11 mula sa 13 key national issues na nakakaapekto sa mga Pilipino.

Pero sa bagong resulta ng Pulse Asia survey, lumalabas naman ang mababang approval sa ginagawa ng administrasyon para makontrol ang inflation at mabawasan ang kahirapan.

Ayon sa survey, ang appreciation ay majority sentiment tungo sa ginagawa ng gobyerno sa mga areas na pagtugon sa pangangailan ng calamity-hit areas (78%), pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 (78%), pagpromote ng kapayapaan sa bansa sa (69%) at pagprotekta sa kapakanan ng mga Filipino workers (68%).

Kaugnay nito, naitala rin ang majority approval sa mga areas ng paglaban sa kriminalidad sa (67%), pagpapatupad sa rule of law (62%), pagbuo ng mas maraming trabaho sa (59%), pagpapataas sa sahod ng mga manggagawa (59%), paglaban sa graft and corruption sa gobyerno (58%), pagprotekta sa kapaligiran (57%), at pagdepensa sa territorial integrity (52%).

Ang Ssurvey ay isinagawa mula September 17 hanggang 21, 2022 gamit ang face-to-face interviews, batay sa sample ng 1,200 representative adults na 18 taong gulang, pataas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *