Sen. Angara may naamoy na ‘pork barrel’ sa pondo para sa NTF-ELCAC

Ibinunyag ng isang budget official na ang mga proyekto ng anti-insurgency task force ng gobyerno ay tinutukoy lamang sa oras na ng implementation.

Ito ang nag-udyok kay Senator Sonny Angara na tawagin ang pondo para sa naturang mga proyekto bilang “pork barrel.”

Nabatid kasi sa pagdinig ng Senate Finance Committee na may mga barangay beneficiaries na tinukoy ang NTF-ELCAC, pero walang listahan ng mga proyekto kung saan gagamitin ang  P10 billion bilang special purpose funds sa 2023 na hiniling ng task force.

Samantala, sa naturang pagdinig tinanong ni Senator Nancy Binay si Budget Undersecretary Tina Rose Canda kung ang mga updates sa pagpapatupad ng mga proyekto na hiniling ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para sa 2020 at 2021.

Ayon kay Canda, na noong 2021, nasa P19.24 billion ang inirelease sa NTF-ELCAC, kabilang na ang P16.4 billion para sa special purpose funds (SPF).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *