Marcos, ipinaabot kay Pres. Xi ang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino sa WPS sa kanilang bilateral meeting

Ipinaabot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea sa  bilateral meeting kay Chinese President na si Xi Jinping sa Great Hall of the People.

Sinabi ni Marcos na nagkasundo sila na maghanap ng kompromiso at maghanap ng mga hakbang na magiging kapaki-pakinabang sa mga mangingisdang Pilipino upang makapangisda muli ang mga ito sa kanilang natural na pangisdaan.

Kung maaalala, may mga naitalang kaso ng harassment ang mga tauhan ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino.

Nangako rin si Xi na makikipagtulungan kay Marcos para higit pang mapalawig ang ugnayan ng dalawang bansa. Kanya ring tiniyak ang tulong ng China sa Pilipinas sa sektor ng agrikultura, enerhiya, at imprastraktura.

Samantala, ipagpapatuloy rin ng Pilipinas at China ang negosasyon tungkol sa oil at gas explorations sa South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *