Marcos, isinulong sa ASEAN-EU Summit ang ‘funding guidelines’ sa pinsala ng climate change

Isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng konkretong funding guidelines para sa pagpapagaan sa pinsala ng climate change.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa kanyang talumpati sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations-European Union (ASEAN-EU) working luncheon kasama ang mga EU leaders at businessmen sa Brussels, Belgium.

Hinimok ni Marcos na kung saan hinimok niya ang mga ito na pag-ibayuhin ang tulong sa mga vulnerable countries tulad ng Pilipinas.

Dagdag pa ng Presidente na mahalaga ito sa Pilipinas, lalo na’t ang bansa ay maituturing na isa sa mga pinaka-vulnerable na bansa sa mundo sa epekto ng climate change.

Positibo naman umano si Marcos sa progreso ng naturang usapin sa Conference of Parties (COP) matapos maobserbahan na unit-unti na nitong natatanggap ang kosepto ng climate change damage and loss.

Binigyan-diin naman ng punong ehekutibo na kahit ma-quantify ang damage and loss sa usapin ng salapi at ipa bang measures wala pa ring konklusyon kung ano maaaring gawin sa naturang bilang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *