Marcos umapela sa PNP na tumulong upang muling makabangon ang Pilipinas

Umapela si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa hanay ng kapulisan na tumulong upang muling umunlad at makabangon ang Pilipinas.

Sa kanyang talumpati sa pagdalo ng ika-121st Police Service Aniversary sa Camp Crame hiniling nito sa kapulisan na magkaisa at suportahan ang liderato ng PNP sa krusada nito labas sa mga grupong gustong maghasik ng kaguluhan sa bansa.

Dagdag pa ni Marcos, dapat din hikayatin ng PNP ang publiko na maki-isa at tumulong upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bansa nang sa gayon ay matamasa nito ang kaunlaran.

Umaasa naman si Marcos na magiging katuwang ng kanyang administrasyon ang PNP para sa matagal nang inaasam na pagbabago ng bansa na mabigyan ng disenteng buhay ang mga Pilipino.

Sa huli pinasalamatan ng Pangulo ang buong pwersa ng kapulisan sa umanoy tapat na paglilingkod at pagsisilbi sa bayan.

“So congratulations and more power to you all for the dedicated service that you willingly extend to our nation and to our people. For the sacrifice accompanying your call of duty. For the freedoms that we enjoy and cherish,” bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

“At muli maraming salamat sa inyong tapat at walang sawang paglilingkod spara a ating bansa. Ating pagtulungan muli ang muling pagbangon at pag-angat ng ating pinakamamahal na Pilipinas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *