Mas mabigat na parusa sa mga nangmamaltrato ng hayop, ipinanawagan

Naniniwala si Senadora Grace Poe na importante ang pagtutulungan ng buong komunidad upang matuldukan ang animal cruelty sa bansa.

Ayon kay Poe, maliban kase sa pagiging ‘most underrepresented’ ng mga ito ay wala silang kakayahan na magsagawa ng protesta, bumoto o maging magbigay ng donasyon sa kampanya laban sa pang-aabuso sa kanila.

Kaugnay nito, itinutulak ng senadora ang pagpapatupad ng proposed Revised Animal Welfare Act na siyang magpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga indibidwal na magsasagawa ng maltreatment at maging torture sa mga hayop.

Ito ay alinsunod na rin sa naging viral issue ng pagpatay sa isang Labrador Retriever na si Killua ng Camarines Sur. Maalala, layunin din ng itinutulak ng senadora na makabuo ng Barangay Animal Welfare Task Force na siyang magiging responsable sa pagtugin sa anumang welfare issues sa mga alagang hayop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *