Mas malawak na joint military exercises ng Pilipinas at US sa Abril, pinaghahandaan

Pinaghahandaan na ng Armed Forces of the Philippines ang mas malawak na joint military exercises sa pagitan ng Pilipinas at US.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, isasagawa ang Balikatan exercise sa buwan ng Abril ngayong taon.

Kabilang aniya dito ang regular maritime, aerial at land exercises bukod pa ang cyberspace at information warfare.

Tinutukoy pa sa ngayon ng AFP ang mga lugar o lokasyon na pagdadausan ng taunang pagsasanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *