Masbate, may pinakamaraming bilang ng rebelde na sumurender

SORSOGON CITY – Ang lalawigan ng Masbate ang may pinakamaraming bilang ng mga sumurender na miyembro ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA).

Sa datos na inilabas ng PNP Regional Office 5 (PRO5), nakapagtala ang Masbate ng 202 na rebeldeng sumurender, sinundan ito ng Sorsogon na may 66, Camarines Sur na may 48, Camarines Norte, 24 habang may dalawang sumurender sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Karamihan umano sa mga rason ng mga ito ay kanilang napagtanto ang panloloko ng kanilang hukbo kaya’t nagdesisiyon silang boluntaryong sumurender at magbalik-loob sa pamahalaan.

Batid sa pagtalikod ng mga sumurender na dating rebelde ang panunumpa ng katapatan sa pamahalaan at pagtutol sa NPA gayundin ang mga aktibidad nito sa komunidad.

Makababalik sila sa kani-kanilang komunidad matapos ang de-briefing, proseso sa E-CLIP, livelihood seminar at iba pa habang susubaybayan at pagkakalooban ng tulong ng NTF-ELCAC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *