MASO, nagsagawa ng field trial ng mga abono sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Municipal Agricultural Services Office (MASO) ang pagsasaliksik at field trial ng mga abono sa bayan ng Daraga upang mas mapaunlad ang agrikultura o pagtatanim sa nabanggit na lugar.

Sa isinagawang pananaliksik tatlong uri ng organic foliar fertilizers ang isinailalim sa trial ng nabanggit na opisina, kung saan ang isa ay mula sa Department of Agriculture (DA).

Sa kasalukuyan, limang plots ng iba’t ibang uri ng pananim ang basa ilalim ng trial ng MASO sa Municial Nursery.

Dagdag pa nito, nagsasagawa ang nasabing opisina ng Agro-Ecosystem Analysis (AESA) upang i-monitor at i-record ang progreso o development ng pagpapalaki ng mga tanim.

Umaasa naman ang MASO, na sa susunod na buwan ay matatapos na ang kanilang pananaliksik at maipresenta na umano nila ang resultang nang maipagamit sa mga magsasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *