Senado sisimulan na ang pagdinig kaugnay sa mga power blackouts sa iba’t-ibang panig ng bansa

Nakatakdang talakayin sa susunod na linggo sa senado ang laganap na power interruptions sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Sa inilabas na schedule ng senado pangungunahan ni Senate Committee on Energy chairman Senador Raffy Tulfo ang pagdinig sa mga power outages at rotational brownouts na matagal nang inirereklamo ng mga electric consumer.

Kabilang sa mga resolusyon na inihain sa senado ay ang nagpapatuloy na brownout sa Occidental Mindoro at ang hindi magandang kalidad ng Electric Power Service sa probinsiya ng Palawan.

Inaasahan din tatanungin sa pagdinig ang Department of Energy kung ano ang magiging hakbang nito para magkaroon ng long term solution sa problema ng power supply shortages.

Isa din sa mga isyu na matatalakay sa senate hearing aya ang mataas na presyo ng kuryente sa bansa na una nang binuksan ni Senate President Juan Miguel “Migz” F. Zubiri sa kanyang talumpati noong Agosto 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *