Mataas na miyembro ng PH Army, patay matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang motorcycle rider

Patay ang mataas na opisyal ng Philippine Army matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang motorcycle rider sa kanyang tanggapan sa Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Major Dennis Moreno, 41, may at nakatalaga sa AFP-RESCOM General Headquarters at residente ng Brgy. San Roque.

Ayon sa mga otoridad, nakaupo ang opisyal sa kanyang opisina nang pasukin at pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Sinabi rin ng mga otoridad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril lulan ng itim na motorsiklo pantungo sa hindi malamang direksyon.

Bumuo na rin ng Special Investigation Task Group ang Philippine National Police Bulacan upang imbestigahan ang nangyaring pamamaril at pagpatay kay Moreno.

Nanawagan din ang pulisya sa publiko na kung may nalalamang impormasyon sa nangyaring insidente ay makipagtulungan sa kanilang isinasagawang imbestigasyon para sa ikalulutas ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *