Mataas na Opisyal ng CTG sa Bicol, Naaresto sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nasa kustodiya na ngayon ng otoridad ang mataas na opisyal ng Bicol Regional Party Committee matapos na maaresto ng pinag-isang pwersa ng mga sundalo’t pulis sa Barangay San Ramon, Iriga City, Camarines Sur.

Alas-8 ng gabi nitong Biyernes, Oktubre 20 nang mahuli ng 49th Infantry Battalion, Criminal Invesrigation and Detection Group  Albay at PNP Camarines Sur alyas “Iya” /”Julia” ang Execom Member at PIO ng BRPC kasama ang isang alyas “Ricardo” habang sila’y lulan ng isang pampasaherong jeep.

Ito’y kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest ng Regional Trial Court Branch 37, Iriga City sa kasong attempted murder.

Nakuha sa kustodiya ni Escandor ang isang hand fragmentation grenade, tatlong anti-personnel mines o Molotov, IED Claymore Mine, bandila ng Communist Terrorist Group (CTG) at ilan pang makateroristang kagamitan.

Habang nakuha naman kay Escano ang isang cal.9mm pistol, isang magazine at mga bala.

Kaugnay nito, umaasa ang pamunuan ng 9th Infantry ‘Spear Division, Philippine Army na sa pagkakahuli ni Escandor ay maging daan ito upang mahikayat ang natitira pang miyembro ng CTG na magbalik-loob.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *