Respiratory at cardio disease cases sa Batangas City, iniuugnay sa power plants

Sinimulan na ng Department of Health-CALABARZON ang imbestigasyon sa napaulat na pagtaas ng kaso ng respiratory and cardiovascular diseases sa Batangas City na iniuugnay sa Liquefied Natural Gas power plants sa siyudad.

Ayon kay DOH CALABARZON Regional Director Ariel Valencia, binubuo ang investigation team ng kanilang Regional Disaster Risk Reduction Management in Health at Regional Epidemiology Surveillance Unit.

Katuwang din nila mismo ang Batangas City Health Office sa pagvalidate ng mga ulat.

Sinabi ni Dr. Valencia na sa ngayon daw ay wala pa silang nakikitang sapat na ebidensya para i-ugnay sa mga planta sa Batangas City ang pagdami ng nagkakasakit doon.

Titingnan pa raw nila ang iba pang mga kinakailangang datos at dokumento kagaya ng air and water quality at lalo’t higit ay malaman ang healt status ng bawat mamamayan sa mga barangay na malapit sa mga liquified natural gas plant.

Magiging basehan din ng DOH-CALABARZON sa kanilang isinasagawang imbestigasyon ang ginawal nilang pagbisita mismo sa mga power plants at sa dalawang barangay na malapit doon.

Batay sa pahayag ng Batangas City Health Office noong nakaraang Enero, sinabi nilang walang sapat na ebidensiya para sabihing ang mga napaulat na Influenza-like Illness cases noon sa limang barangay ay direktang sanhi ng fossil gas power plants.

Sa Lunes, inaasahang matatapos ng DOH-CALABARZON ang kanilang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *