Mayorya ng Pilipino, ‘di na nasisiyahan’ sa K-12 program – survey

Tuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipino na hindi na nasisiyahan sa K-12 program sa bansa.

Sa isang Pulse Asia survey, lumabas na 44% ng mga Pilipino ang ‘dissatisfied’ na sa K-12.

Mas mataas ito sa 28% dissatsified noong Setyembre taong 2019.

Isinagawa ang survey sa 1,200 adult respondents nitong Hunyo at kinomisyon ni Senadow Win Gatchalian.

Matatandaaang ang K-12 review ay isa sa mga priority measures ni Gatchalian dahil hindi na raw epektibo ang kasalukuyang sistema nito.

Ayon sa chairperson ng Senate Commitee on Education, tila ay nagiging dagdag pasanin na lamang ang K-12 program sa mga learners at lalo na sa mga magulang.

Hindi na raw kasi nito natutupad ang pinakalayunin kung bakit binuo ang K-12 kabilang na ang siguradong employment sa pagtatapos ng mga estudyante.

Sa ilalim ng gagawing review, aalamin kung ano ang mga dapat baguhin sa basic education curriculum.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *