Isang barangay sa Olongapo sinimulan ang panghuhuli sa mga asong-gala

Sinimulan na ng Barangay Pag-Asa sa Olongapo ang panghuhuli ng mga asong-gala o stray dogs.

Ayon sa barangay ito sana ay magsilbing babala sa mga pet owners na hinahayaang pagala-gala o hindi nakatali ang alaga.

Sa mga nagiging aksidente sa kalsada, isa ang asong-gala sa nagiging dahilan dahil minsan ay iniiwasan ito ng mga motorista, at isa pa ay ang ilang basura na ikinakalat.

Panawagan ng pamunuan, kung hindi rin lang maaalagaan ng maayos ay huwag na lamang mag-alaga ng aso.

Nasa pangangalaga pa ng barangay ang mga nahuling aso at hinihintay na may may-aring kukuha.

Kapag wala umanong may-ari na aako sa mga ito ay saka iteturn over sa City Veterinary Office.

Samantala, pinuri naman ng barangay ang mga responsableng pet owners dahil sa pakikipagtulungan sa pamunuan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: Bgy. Pag-Asa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *