MECQ sa Tuguegarao City, Extended

Extended ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa lunsod ng Tuguegarao hanggang katapusan ng buwan ng Setyembre ngayong taon.

Ito ay matapos aprubahan ng Regional IATF ang rekomendasyon ng lokal na pamahalaan na palawigin pa ng walong araw.

Ayon sa LGU, mataas pa rin ang bilang ng COVID-19 cases sa syudad sa kabila ng pagsasailalim ng mas mahigpit ng restrictions sa nakalipas na linggo.

Kaugnay nito ay mananatili ang mga umiiral na panuntunan sa ilalim ng MECQ.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan sa mga mamamayan ng patuloy na kooperasyon, disiplina at pagsunod sa health protocols upang maiwasang mahawaan ng COVID-19. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *