Mga libro ng National Democratic front, tinanggal sa ISU library

Nasa 23 na mga subersibong dokumento ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)ang tinanggal sa library ng Isabela State University Main Campus Echage, Isabela.Ito ay kasunod ng pagpull-out din ng Kalinga State University sa mga kaparehong mga libro.

Ayon kay Isabela State University President Dr. Ricmar Aquino, suportado ng kanilang institusyon ang programa ng gobyerno kaugnay sa “whole of nation approach” ng End of Local Communist Armed Conflict (ELCAC).

Aniya, mandato ng ISU na maprotektahan ang mga kabataan at matiyak ang magandang kinabukasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng quality and relevant education.

Sa makatuwid aniya ay dapat hindi ma-expose ang mga estudyante sa anumang dahilan na ikasisira sa kanilang kinabukasan.

Dagdag pa niya na ipinagbabawal na ng paaralan ang pagkakaroon ng ganitong subersibong dokumento sa kanilang silid-aklatan.

Inihayag naman ni Deputy Brigade Commander BGen Danilo Benavidez ng 502nd Infantry Brigade na ang pag-pull out sa mga naturang libro ay makatutulong na maiwasang ma-recruit ang mga mag-aaral ng CPP-NPA-NDF.

Ipinasakamay naman ang mga naturang libro sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 2 sa pangunguna ni RD Dennis Godfrey Gammad.

Nagpasalamat naman at pinuri ng Direktor ang hakbang na ito ng pamunuan ng ISU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *