Media Action Center binuo ng Police Regional Office 3 para sa BSKE

Binuo ng Police Regional Office 3 ang Media Action Center para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ito ang magsisilbing focal point para paghahatid ng impormasyon sa publiko sa panahon ng halalan.

Ayon sa PRO3 maging ang mga provincial at city police offices ay activated na rin ang kani-kanilang media action centers.

Mayroong mga itinalagang tauhan ang PNP dito na tatanggap ng mga inquiries, concerns at ulat mula sa publiko.

Matatandaan na noong Lunes ay nag-deploy na ang PRO3 ng mahigit sampong libong kapulisan para sa BSKE.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Police Regional Office 3

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *