Mt. Bulusan inilagay sa alert level 1

Itinaas sa alert level 1 ang kalagayan ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon matapos na makapagtala ng ‘sustained series of volcanic earthquakes mula pa noong Oktubre 14 ng kasalukuyang taon.

Simula noon, may kabuuang 121 volcanic earthquake na ang naitala ng Bulusan Volcano Network (BVN) kung saan ang 37 dito ay volcano tectonic earthquakes na nauugnay sa mga proseso ng pagkabasagbasag ng bato sa lalim na 1 hanggang 9km sa ilalim ng hilagang-kanluran at sa timog-silangan na dalisdis ng edipisyo ng bulkan.

Bilang karagdagang data, ang ground deformation na ito mula sa electronic tilt at GPS monitoring ayon sa pagkakabanggit ay nagpapahiwatig ng inflation at pamamaga ng southern flank mula noong Pebrero at sa northeastern flank mula noong Setyembre.

Kapansi-pansing din ang pagtaas ng konsentrasyon ng carbon dioxide ng bulkan mula Hunyo hanggang Agosto at ang temperatura ng spring mula noong Pebrero ay nakita sa isang sinusubaybayang spring sa mga dalisdis sa timog-kanluran.

Ang mga parameters na ito ay nagpapahiwatig na ang hydrothermal activity driven ng magma-degassing ay maaaring nangyari sa ilalim ng bulkan na maaaring humantong sa steam-driven eruptions sa alinman sa summit vents nito.

Ang alert level 1 ng Bulkang Bulusan ay nangangahulugan na ito ay nasa low-level of unrest.

Kaugnay nito, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-km radius permanent danger zone ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *