Melanie Marquez, full-support sa kanyang anak na si Michelle Dee

Tumulak papuntang El Salvador si Miss International 1979 Melanie Marquez para suportahan ang anak na si Michelle Dee sa nalalapit na coronation night ng Miss Universe pageant.

Ayon kay Melanie, mas kabado pa siya ngayon kaysa noong sumali siya sa pageant back in 1979.

Katunayan may mga dala siyang Philippine flag sa lahat ng susuporta kay Michelle.

Patuloy namang nangugulat ang kanyang anak mula sa kanyang gown of choice at maging sa kanyang short hair look.

Bukod dito, nasorpresa rin ang dating Miss International sa paandar ni Michelle dahil imbes na ‘Philippines!’ ang sasabihin nito sa pagpapakilala ng bansa ay ‘Filipinas!’

Proud mommy si Melanie dahil marunong magsalita ng Espanyol ang kanyang anak.

Isinekreto kasi ni Michelle ang lahat ng preparations para sa Miss Universe 2023 pageant sa kanyang nanay.

Win or Lose, pangarap ni Melanie na maging public servant ang kanyang anak dahil ang puso ni Michelle ay nasa paglilingkod sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *