MENRO personnel sa bayan ng Basud nagsagawa ng clearing operation ng mga campaign posters

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng pagbabaklas o clearing operation ng campaign posters ang mga personnel ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa bayan ng Basud kahapon.

Batay ito sa Office Order ni Mayor Adrian Davoco bilang bahagi ng Oplan Baklas after election activity.

Nakalagay sa office order na dapat baklasin ang mga campaign posters sa kahabaan ng national Road mula Basud- Daet Boundary patungo sa Poblacion 2 (crossing).

Mababatid na noong magsagawa ng operation baklas ng illegal campaign poster ang Comelec kasama ang DPWH at DENR bago mag eleksyon ay marami pa rin ang naiwan.

Sa dami kasi ng mga nakasabit sa puno at kung saan- saan pa, naubos ang maghapon ng Task Force Baklas pero ang hindi ang mga dapat baklasin.

Samantala, sa ibang bayan partikular sa Daet ay may ilang grupong nag initiate na magbaklas ng mga campaign posters.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *