Mental Health care program ordinance sa Camarines Sur , umaabante na sa Sanguniang Panlalawigan

NAGA CITY- Umaabante na sa Sanguniang Panlalawigan ng Camarines Sur ang itinutulak na mental health care program para sa buong probinsya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sa baguhang board member mula sa Rinconada Area o ikalimang distrito ng Camarines Sur na si Shai Fajardo Noble , sinabi nitong matapos na ilatag ang ordinansa noong inaugural session ngayon ay nasa first reading at nakakakuha siya ng suporta rito pati si Governor Luigi Villafuerte ay suportado ito.

Aniya, nakita niya kasi ang epekto ng depresyon,  umaabot na punto na kinikitil ang sariling buhay; walang pinipiling edad.

Ibinase ni Noble ang proposed ordinance sa Republic Act. 11036 o The Mental Health Act of 2018.

Dagdag nito, makikipag ugnayan sila sa Department of Education para maging epektibo ang ordinansa oras na maipasa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *