Posibleng transaksyon ng droga sa Peñafrancia Festival, isa sa mga babantayan ngayon ng LGU Naga

NAGA CITY – Sunod-sunod ang mga naging matatagumpay at malalaking Anti- Illegal Drugs Operations sa Naga City.

Kaya naman isa ito sa mga babantayan ng Lokal na Pamahalaan ng Naga.

Sa naging pahayag ni City Councilor General Omar Buenafe, Chairman ng Committee on Peace and Order and Public Safety, sinabi nitong mas coordinated ang Naga City Police Office at ang Philippine Drugs Enforcement Agency Camarines Sur para masugpo ito, malaki rin ang naging partisipasyon ng komunidad para sa tuluyang pagkakahuli sa mga suspek.

Kaugnay nito, patuloy ang pagsasagawa ng plano ng LGU para sa nalalapit na fiesta, maging ang NCPO, nagpresenta na rin kanilang mga safety and security plan.

Katuwang ang PNP at PDEA Camarines Sur, magsasagawa rin sila ng mga operations at monitoring para sa mga galaw ng mga drug syndicate sa lungsod lalo na sa selebrasyon ng Peñafrancia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *