Meralco head coach, kampanteng makukuha nila ang titulo vs. Ginebra

Kampante si Meralco head coach Norman Black na malalampasan nila ang mga hamon ngayong taon at makukuha ang Governors’ Cup trophy.

Matatandaan na bigo ang Meralco Bolts sa lahat ng tatlo nilang PBA Governors’ Cup championship sa pagitan ng Barangay Ginebra.

Binigyang diin ni Black na ang kanilang star guard na si Chris Banchero na napalabas sa Game 5 ng kanilang semifinals series dahil sa injury ay kailangang makabalik, bilang siya ang importante sa kanilang bagong tangka na manalo ang Meralco ng unang PBA crown.

Sa ngayon, ang main concern ni Black ay kung papaanu nila manu-neutralize si Ginebra import Justin Brownlee na nag-aaverage ng 33.5 points, 12.5 rebounds, 4.5 assists, 2.6 blocks, at 2.3 steals ngayong conference.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *